ARNEL PINEDA
Si Arnel ay isinilang noong ika-5 ng Setyembre 1967, panganay sa apat na magkakapatid, at lumaki sa Sampaloc, Maynila. Isa ang kanyang ina sa may malaking impluwensya sa kanyang buhay, maging sa kanyang musika. Pinilit siyang mapag-aral nito sa isang Katolikong paaralan sa paniniwalang makakakuha siya ng magandang edukasyon dito. Naging mahusay siya sa pag-aaral at naging aktibo sa mga organisasyon sa paaralan tulad ng glee club at rondalla. Madalas din siyang kumanta sa mga programa ng paaralan, kaya naman siya ang napili na kumanta sa isang national quiz bee. ito ang unang pagkakataon na napanood siya sa telebisyon habang kinakanta ang ‘Gaano kita Kamahal’ ni Celeste Legaspi.
Nang mamatay ang kanyang ina, naghirap ang kanilang pamilya at napilitang tumigil sa pag-aaral ang magkakapatid. Nagkahiwa-hiwalay sila nang dalhin sa ilang kamag-anak ang kanyang mga kapatid. Sumali siya sa bandang “Hijos” bilang isang bokalista. Bagamat bukod-tangi na ang husay ni Arnel sa pag-awit, kinailangan niyang hasain pa ang kanyang boses at sanaying kumanta ng mga 70s at 80s ‘’rock’’ na iba ang istilo mula sa kanyang paboritong Beatles at mga awit kundiman.
Makalipas ang ilang taon, ang Hijos ay pinalitan ng “AMO Band”, na nagsimulang sumali sa iba’t ibang kumpetisyon. Nakarating ang grupo nila sa Olongapo, ]]Makati]], at Singapore sa pagsali sa mga kumpetisyon at pagtugtog sa mga bar, at maging sa telebisyon. Ang tagumpay na ito ni Arnel ang dahilan kung kaya’t napag-aral niya ang isang kapatid.
The Essay on Piracy Bayan Ang Mga
Ang piracy ang isa sa mga malalaking problem ang hinaharap ngay on ng Pilipinas. Kahit isang panloloob pa o pangungumpiska pa ang gaw in ng mga tao ng pamahalaan, bumabalik at bumabalik pa rin ang mga nagbebenta ng mga pirated na mga CDs. Pumunta ka lamang sa isang lugar, katulad ng Virra Mall sa Green Hills, lahat na ng klas e ng pirated na CD ay mabibili mo na, sa presyong abot-kaya. Cds, VCDs, ...
Sa edad na 20, naging ama si Arnel. Ang relasyong ito ay hindi nagbunga ng magandang pagsasama. Maging ang sumunod na relasyon, na nagbunga rin ng isang supling, ay hindi nagtagal. Mula Pilipinas ay nagtungo siya sa Hong Kong upang tuparin ang pangarap na maging isang rakista. Ngunit dahil sa problemang pangkalusugan, unti-unting nasira ang kanyang boses. Bumalik siya sa Pilipinas upang ipasuri ang kanyang kalagayan. Masamang balita ang hatid ng mga doktor na nagsabing hindi na siya muli pang makakaawit. Sumailalim siya sa anim na buwang rehabilitasyon at nagsikap upang gumaling agad.
Nagpatuloy siya sa pagkanta hanggang nakuha siya bilang isang recording artist ng isang kumpanya. Isang album niya na may titulong “Arnel Pineda” ang inilabas noong 1999. Ngunit hindi natupad ng alok na ito ang kanyang pangarap na maging isang rakista dahil siya ay inatasan ng mga awiting taliwas sa kanyang persona. Hindi naging epektibo ang pag-awit niya ng mga pop o ballad dahil sa siya ay sanay sa mga awiting rock. At sa kasalukuyan ay nakuha siya ng bandang “ JOURNEY”.Nakilala siya ng banda nang mapanood siya sa website na “youtube” at napahanga ang banda kaya’t nagpasya ito na isama si arnel. Sa pangyayaring iyon sa buhay niya ang nagdala sa kanya sa pangarap na makaangat sa buhay at makilala sa buong mundo.
MANNY PACQUIAO
Si Emmanuel Dapidran Pacquiao o mas kilala bilang Manny Pacquiao ay ipinanganak noong Disyembre 17, 1978 sa Kibawe, Bukidnon, Mindanao.
Bago naging kilala si Pacquiao bilang isang milyonaryo at sikat na boksingero ngayon, lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang ina na si Dionisia Pacquiao, mas kilala sa taway na “Nanay Dionisia”, mula ng iwan sila ng kanyang ama. Upang makaraos sa kahirapan,naranasan niyang maglako ng “pandesal” sa umaga upang may mapakain ang kanyang pamilya. Naranasan din niyang maglako ng mga sigarilyo at candy sa daan upang magkapera. Bata pa lamang si Pacquiao ay iniwan na siya, kasama ng lima niyang kapatid at ina, ng kanyang ama. Ang tanging hangad lamang ni Pacquiao noon ay maging isang pari. Ngunit dahil sa kapos sa pera ang kanyang ina upang pag-aralan siya ay naisipan niyang ang boksing ang pinakamadaling paraan upang mapagmalaki niya ang kanyang sarili sa kanyang pamilya. Ikinasal siya kay Jinky Pacquiao at biniyayaan sila ng apat na anak – sina Jimuel, Michael, Princess at Queen Elizabeth.
The Essay on Sa Aking Mga Kababata
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig Sa langit salitang kaloob ng langit Sanlang kalayaan nasa ring masapi Katulad ng ibong nasa himpapawid. Rizal states here that if people will love and accept its own language, the nation will definitely have freedom. Then he site an example, that it’s like a bird flying freely in the sky, flying limitless. Pagka’t ang salita’y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo’t ...
Nagsimula ang karera ni Pacquiao bilang isang propesyonal na boksingero noong 1995,sa timbang na 106 lbs at sa edad na 16. Ang unang bahagi ng kanyang mga laban ay karaniwang ginaganap lamang sa mga maliliit na lugar at ipinapalabas sa Vintage Sports’ Blow by Blow evening boxing show. Ang kanyang unang opisyal na laro ay laban kay Edmund Ignacio noong January 22, 1995, kung saan nanalo siya sa pamamagitan ng desisyon, kung kaya’t naging “instant star” simula noon si Pacquiao.
Tumaas ang kanyang timbang mula 106 lbs hanggang 113 lbs bago matalo sa panglabing-dalawang laban nila ni Rustico Torrecampo sa pamamagitan ng third round technical knockout (TKO).
Batay sa pagsisiyasat ng kilalang sportscaster na si Joaquin “Quinito” Henson, malinaw na hindi tumaas ang timbang ni Pacquiao kung kaya’t siya ay pinilit na gumamit ng mas mabigat na glab na siyang naglagay sa kanya sa dehadong sitwasyon.
Matapos siyang matalo sa laban nila ni Torrecampo, namalagi si Pacquiao sa 112 lbs at nanalo sa WBC Flyweight pamagat laban kay Chatchai Sasakul sa pamamagitan ng isang TKO na naganap sa Nakhon Si Thammarat, Thailand. Sunod-sunod ang mga naging panalo ni Manny sa mga laban hanggang sa makamit niya ang kanyang pang-apat na sinturon bilang World Boxing Championsa kanyang huling laro ay laban kay Ricky Hatton, isang boksingerong briton, noong Mayo 2, 2009 na ginanap sa MGM Grand Las Vegas sa Las Vegas, Nevada.
Kamakailan lamang, hinirang si Pacquiao ng Time Magazine bilang isa sa mga pinakamaimpluwensiyang tao sa buong mundo para sa taon 2009, sa heroes & Category Icons, para sa kanyang kahusayan sa boksing at impluwensiya sa mamamayang Filipino.
ABRAHAM LINCOLN
Ipinanganak si Abraham Lincoln malapit sa kasalukuyang Hodgenville, Kentucky noong 1809. Lumipat ang siya sa Indiana noong 1816, at namalagian sa New Salem, Illinois noong 1831. Naglingkod siya sa Batasan ng Illinois mula 1834 hanggang 1842. Muli siyang lumipat patungo Springfield noong 1837. Napangasawa niya si Mary Todd noong 1842. Mula 1847 hanggang 1849, naging kasapi siya ng Kabahayan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos.[1]
The Research paper on Listahan Ng Mga Pananaliksik
Listahan ng mga Pananaliksik 1. Pamagat : Information Technology and Firm Size Patnugot : Albert Wenger Posted November 2, 2012 continuations.com/post/3482468649/information-technology-and-firm-size-thesis Anotasyon : Mayroong iba’t ibang pangangailangan ang isang tao, katulad ng physical at human assets mayroon ding information assets. Kaya ayroong tinatawag na customer information center, isang ...
Tumakbo siya para sa Senado noong 1855 subalit hindi nagwagi. Nakipagdebate siya kay Stephen A. Douglas noong 1858. Iniharap siya bilang kandidato sa pagka-pangulo ng Estados Unidos noong Mayo 18, 1860, at nahalal bilang presidente noong Nobyembre 6. Ginawad ang pagpapasinaya niya bilang ika-16 pangulo ng Estados Unidos noong Marso 4, 1861.[1]Nagsimula ang panahon ng Digmaang Sibil nang tumawag siya ng mga boluntaryo noong Abril 15, 1861.[1]
Una niyang ipinahayag ang paunang labas ng Proklamasyon ng Emansipasyon noong Setyembre 22, 1862, at ibinigay pinakahuli at opisyal na pagpapahayag nito noong Enero 1, 1863. Ang proklamasyong ito ang pinakaunang hakbang patungo sa pagbubuwag ng pagkakaroon ng mga aliping itim sa Amerika. Ipinahayag niya ang talumpating Gettysburg Address noong Nobyembre 19, 1863.[1]Nang sumapit ang Marso 12, 1864, itinalaga niya si Heneral Ulysses S. Grant bilang komandante ng mga hukbo ng Unyon.[1]Muli siya nahalal bilang pangulo noong Nobyembre 8, 1864. Isinagawa ang pagpapasinaya noong Marso 4, 1865.
Sumuko si Robert E. Lee kay Ulysses S. Grant noong Abril 9, 1865. Binaril si Lincoln ni John Wilkes Booth noong Abril 14, at binawian siya ng buhay noong Abril 15, 1865. Naganap ang pagbaril habang nanonood si Lincoln ng isang dula sa Tanghalang Ford sa Washington, D.C.. Si “Abe” Lincoln ang unang pangulong napatay ng isang asesino.
LEA SALONGA
Si Maria Ligaya Carmen Imutan Salonga ay mas kilala bilang Lea Salonga. Ipinanganak siya noong 22 Pebrero 1971. Una siyang nakilala sa The King and I ng Repertory Philippines noong siya’y pitong taong gulang pa lamang. Sa edad na sampung taon, inirekord ni Lea ang awiting Small Voice. Iyon ang naging simula nang pagiging mabango ng kaniyang karera bilang isa sa mga sikat na aktres at mang-aawit sa Pilipinas.
Nagsimula ang kaniyang katanyagan sa ibang bansa noong siya ay napiling gumanap bilang Kim sa tagumpay na musikal na Miss Saigon noong 1989. Nagtamo siya ng mga gantimpala mula sa pinakarespetadong tagapaggawad ng parangal, at itinanghal bilang kauna-unahang Pilipina na nagkamit ng Laurence Olivier, Tony, Drama Desk, Outer Critics Circle at ang Theatre World Award para sa natatangi niyang pagganap bilang Kim. Noong 1993, si Lea ay gumanap bilang Eponine, isang batang ulila sa Broadway production na Les Misérables. Si Lea rin ang umawit ng A Whole New World sa pelikulang Aladdin sa boses ni Princess Jasmine at Fa Mulan para sa Mulan at Mulan II noong 1998 at 2004. Ang tagumpay ni Lea sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa ang siyang nagbukas ng oportunidad sa iba pang Filipino entertainers upang makilala at kinalaunan ay nag-alay din ng karangalan sa ating bansa.
The Term Paper on Literary Analysis of Amado V. Hernandez’s “Isang Dipang Langit” (an Arm’s Length Piece of the Sky)
Literary Analysis of Amado V. Hernandez’s “Isang Dipang Langit” (An Arm’s Length Piece of the Sky) By Manuel M. Avenido, Jr. MA in Literature Cebu Normal University December 04, 2010 Philippines is gifted of numerous remarkable writers (fictionists, poets, essayists, dramatists, etc.) whose masterpieces still echo through ages. From Balagtas to Rizal to Nick Joaquin and even to the writers in this ...
Corazon Aquino
Si María Corazón Cojuangco-Aquino na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ang ikalabing-isang Pangulo ng Pilipinas ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992).
Ipinanganak siya noong Enero 25, 1933 sa Tarlac ng kanyang mga magulang na sina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Kilalang may kaya ang kanilang angkan na nagmamay-ari ng malawak na lupain sa Tarlac.
Nagtapos siya sa isang paaralang Katoliko na para lamang sa mga kababaihan bago pinalad na makapag-aral sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses at Matematika sa New York’s Mount Saint Vincent College. Nagbalik siya ng Pilipinas noong 1953 upang kumuha ng kursong abugasya. Doon niya nakilala ang kabiyak na si Benigno Aquino, Jr. (“Ninoy”), ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay kilala rin bilang ina ng artistang si Kris Aquino.
Taong 1985 ng mapili siya ng National Press Club ng Maynila upang tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas. Nangako siyang tatakbo sakaling makakalap ang grupo ng isang milyong lagda ng mga taong nagnanais na maging Pangulo siya. Matagumpay namang nakalap ang higit sa isang milyong lagda kung kaya’t sinuportahan din siya ng anim pang partido. Napagpasiyahan niyang tumakbo hindi upang maghiganti kundi upang magkamit ng katarungan. May kalakihan ang tsansa niyang mahalal sapagkat bukod sa bago lamang siya sa pulitika ay katulad niya ang mga paniniwala at adhikain ng nasirang asawa.
The Essay on Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan
I’ve been reading Bob Ong’s books since college, ever since a friend brought her copy of his first book, A B N K K B S N P L A Ko (That reads as Aba Nakakabasa Na Pala Ako – literal translation: Wow, I Can Read Now). Bob Ong is one of the popular Filipino writers, who, until now, I am not sure if he is really one person or many contributing to one book. I’ve read almost all of his books ever since ...
Sa kasamaang palad ay hindi na natuklasan pa ang kinahinatnan ng eleksyong Pampanguluhan. Matapos ang isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986, at mapatalsik sa posisyon ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ay nailagak siyang Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas.
Halos pitong pag-aaklas ang naganap upang siya’y mapatalsik ang dinanas ng kanyang liderato. Ang ilan pa sa mga ito’y pinamunuan ng mga taong nagluklok sa kanya sa pwesto. Taong 1991 nang maglabas ng kasulatang nagpapahintulot sa kanyang manatili sa pwesto hanggang Hunyo 30, 1992. Pinalitan siya ni Fidel V. Ramos bilang Pangulo noong matapos ang kanyang termino.
Efren Peñaflorida
Si Efren Geronimo Peñaflorida, Jr..ay ipinanganak noong 1981 bilang pangalawang anak nina Efren Peñaflorida Sr., isang traysikel drayber, at Lucila Geronimo, maybahay. Nagsimula ang pamilya ng isang maliit na negosyong pansitan para makasapat sa kanilang pangangailangan. Lumaki si Efren sa isang iskwater na malapit sa tambakan ng basura, naglalaro sa gitna ng mga basura at naliligo sa maruming tubig. Malimit siyang inaapi ng kanyang mga kapitbahay.
Nagtapos si Peñaflorida ng elementarya at sekondarya sa tulong ng iskolarsip at tulong pinansyal, at nagkamit siya ng ilang mga parangal at gawad sa klase.]Taong 2000, nagtapos siya sa San Sebastian College – Recoletos na may degree sa Teknolohiyang Pangkompyuter na may mataas na karangalan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ikalawang kurso sa Cavite State University, kung saan nagtapos siya bilang cum laude noong 2006 sa kursong Mataas na Edukasyon.
Si efren ay lalong naakilala bilang isang guro at panlipunang manggagawa sa Pilipinas. Siya ang nagtatag at tagapamuno ng Dynamic Teen Company, na naghahandog sa mga kabataang Pilipino ng alternatibo sa mga palaboy sa kalye sa pamamagitan ng edukasyon, sa paglalapit ng paaralan sa mga hindi kinakaugaliang lugar tulad ng sementeryo at mga tambakan ng basura.
Noong Marso 2009, itinampok si Peñaflorida sa Bayani ng CNN bilang bahagi ng programa ng network sa pagpaparangal sa mga indibidwal na may kahanga-hangang kontribusyon sa pagtulong sa iba. Noong Nobyembre 22, 2009, hinirang siyang Bayani ng Taon ng CNN para sa taong 2009.
George Washington
Ipinanganak siya sa Westmoreland County, Virginia. Nahalal siya bilang manunuri o surveyor para sa Culpeper County noong 1749. Noon namang 1753, ipinadala siya ng gobernador ng Virginiang si Gobernador Dinwiddie upang makipag-usap sa mga Pranses sa Ohio Valley. Nataas siya bilang tenyente koronel noong 1754. Naging pinuno siya ng hukbo ng Virginia mula 1755 hanggang 1758. Isa siyang delegado ng Unang Kongresong Kontinental (1774), at gayundin ng Pangalawang Kongresong Kontinental (1775).
The Essay on Ang Awit Ni Maria Clara
Kay tamis ng oras sa sariling bayan, Kaibigan lahat ang abot ng araw, At sampu ng simoy sa parang ay buhay, Aliw ng panimdim pati kamatayan. Maalab na halik ang nagsaliw-saliw Sa labi ng inang mahal, pagkagising; Ang pita ng bisig as siya’y yapusin, Pati mga mata’y ngumgiti mandin. Kung dahil sa bayan, kay tamis mamatay, Doon sa kasuyo ang abot ng araw; Kamatayan pati ng simoy sa parang Sa walang ...
Sa taong 1775, nahalal din siya bilang hepe ng mga puwersang Amerikano. Naging pangulo siya ng Kumbensyong Pederal noong 1787, at naging pangulo ng bansang Estados Unidos mula 1789 hanggang 1797.[1]
Napangasawa niya si Martha Curtis noong 1759. Nagkaroon sila ng dalawang apo, sina George Washington Parke Curtis at Eleanor Parke Curtis. Namatay si George Washington sa Mount Vernon.
Si George Washington ay ang pangunahing pinunong militar at pulitikal ng bagong Estados Unidos ng Amerika noong mga taong 1775 hanggang 1797, at namuno sa tagumpay ng Estados Unidos sa Britanya noong Digmaan ng Himagsikang Amerikano bilang punong komandanto ng Hukbong Kontinental, 1775-1783, at nangasiwa sa pagsulat ng Konstitusyon noong 1787. Bilang tanging pagpipilian bilang unang pangulo ng Estados Unidos (1789-1797), itinatag niya ang mga pamamaraan at ritwal ng pamahalaan na ginagamit hanggang sa kasalukuyan, tulad ng sistema ng gabinete at pagpapahayag ng salitang inaugural. Gumawa ang pangulo ng isang matatag na pamahalaang pambansa na umiwas sa digmaan, kinitil ang paghihimagsik, at tinanggap ng mga iba’t ibang uri ng mga Amerikano. Mula noon itinanghal siya bilang “Ama ng Kanyang Bayan”, si Washington, kasama si Abraham Lincoln (1809–1865) ay naging mga pangunahing simbulo ng pagpapahalagang republikano, pagbibigay ng sarili para sa bansa, nasyonalismong Amerikano, at ang pinakamabuting paraan ng pagsasama ng pagkapinunong sibil at militar.
Lady Gaga
Si Stefani Joanne Angelina Germanotta mas kilala sa pangalan niya sa entablado na Lady Gaga ay isinilang noong Enero 22, 1986 sa Lungsod ng New York bilang panganay ng isang Italyanong Amerikanang na mga magulang na sina Joseph at Cynthia Germanotta. Noong labing-isang taong gulang lamang si Gaga, siya ay pinaaral sa Paaralang Julliard sa Manhattan, pero pumasok na lang sa Kumbento ng Banal na Puso, na isang pribadong paaralang pang-Katoliko.
Natuto si Gaga na mag-piyano noong apat na taong gulang siya, at sumulat siya ng pangunahing piano ballad noong 13 siya at itunugtog sa open mic na gabi sa edad ng 14. Noong 17 na siya, nagkamit siya ng maagang pagpasok sa Paaralan ng Sining ni Tisch ng Pamantasan ng Bagong York. Doon, nag-aral siyang tumugtog ng musika at pinagbutihin ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng kanta sa paggawa ng mga sanaysay at analitikal na papel na nagpopokus sa mga paksa na sining, relihiyon, at sosyo-politikal na orden. Si Gaga ay mamayang umurong mula sa eskwela at nagpokus siya sa tungkulin ng musika.
. Siya ay nagsimula sa mga club sa mga lugar sa Lungsod ng Bagong York habang nagtatrabaho rin sa Interscope Records bilang isang tagasulat ng mga kanta para sa ilang mga kilalang mga mang-aawit gaya nila Akon, na matapos marinig na kumanta si Gaga ay hinikayat niya ang pinuno ng Interscope Records na si Jimmy Iovine para pumirma siya sa isang samahang kasunduan na may label at sa Kon Live Distribution label ni Akon.
Siya ay nagsimulang gumawa ng isang collective na tinatawag na Haus ni Gaga noong 2008, at inilabas ang kanyang debut album The Fame sa Agosto ng parehong taon. Ang album na napunta sa mga nangungunang mga kanta sa mga bansa tulad ng Nagkakaisang Kaharian at Kanada, at nanguna sa Billboard Top Electronic Albums chart sa Estados Unidos. Sa kasalukuyan, ang album ay naging isang nangunguna sa pandaigdigang mundo ng pop music sa singles na “Just Dance” (iminungkahi para sa Best Dance-record sa 51 Awards Grammy) at “Poker Face.” Matapos gawin ang simula kanila New Kids on the Block at ang Pussycat Dolls, si Gaga ay nagpamalas pa sa kanyang unang tour, ang The Fame Ball Tour. Nakabenta siya ng 20 milyon na digital sales at 3 milyon album sa buong mundo, na naging sanhi na isa sa mga pinakamahusay-nagbentang artisa ng 2009.[1]
Sa musika, siya ay sinasabi niyang inspirasyon niya sina glam rockers tulad ni David Bowie at Queen, pati na rin ang mga pop singers tulad nila Michael Jackson at Madonna. Ang iba pang mga impluwensiya niya ay sa fashion at ang kanyang relasyon sa gay community
JANA AVENGOZA
Jana Patricia C. Avengoza ay ipinanganak noong Hulyo 19,1996 sa lungsod ng Lucena. Ang tawag sa kanya ng kanyang mga magulang at kamag-anak ay Trish o kaya naman ay Patricia. Ang tawag naman sa kanya ng aking mga kaibigan at kaklase ay Jana. Ina niya Ma. Lourdes C. Avengoza at ang ama ay si Ramil P. Avengoza. Si Trish ay panganay sa kanilang magkakapatid. siya ay may isang kapatid na babae, si Anne Lourdes, at dalawang kapatid na lalaki, sina Angelo at Miguel na kapwa nakatira sa Ciudad Maharlika Iyam, Lucena City.
Marami siyang napasukan at nalipatang mga paaralan. Sa St. Philomena sa lungsod ng Lucena nagsimulang mag-aral noong siya ay toddlers pa lamang. Noong siya’y nagkinder 1 na, inilipat na siya sa St. Gerard School sa Iyam, Lucena City. Noong siya naman ay nag-kinder 2, lumipat sila ng pamilya niya sa Ilo-Ilo at siya’y nag aral sa Colegio De Las Hijas De Jesus. Noong siya’y tumuntong sa Prep, nag-aral naman si jana sa St. Agnes sa Legaspi. Noong nasa unang baitang na siya, bumalik na uli kami sa Lucena at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Holy Rosary Catholic School. Ngunit lumipat ulit sila noong siya ay nasa ikalawang baitang na. nag-aral naman si jana sa Immaculate Heart of Mary Learning Center. Simula noong siya’y tumuntong sa ikatlong baitang hanggang sa magtapos ng elementarya, sa Holy Rosary Catholic School na siya nag-aral. Sa unang taon sa high school, inilipat na si Jana sa Quezon National High School. Si jana naman ngayon ay nasa ikalawang taon na sa high school.
Bata pa lamang si trish , marami na rin siyang napuntahang lugar dahil sa trabaho ng kanyang ama na isang manager sa Insular Life. Ang ilan pa sa mga lugar na kanyang napuntahan ay Laoag, Vigan, Manaoag, Cavite, Baguio, Tagaytay, Manila, Bohol, Naga, Bacolod, Kalibo at iba pa.
Hilig niya ang manuod ng palabas na horror, musical at comedy. Hilig rin niya ang making sa mga kanta, magbasa ng libro, magsulat ng kwento at marami pang iba. Paborito niya ang mga kulay na berde, pula, itim at asul. .Ang mga paborito ni jana na sports ay ang pagbibisikleta at paglalaro ng badminton. Marunong din siyang kumanta at tumugtog ng piano.
CARLO OLYVEN BAYANI
Ako si Carlo Olyven H. Bayani na ipinanganak noong ika-15 ng Enero taong 1997 sa Quezon Memorial Hospital. Ang aking ama ay si Oliver B. Bayani, isang empleyado ng isang kompanya samantalang ang ina ko naman ay nagngangalang Enelyn H. Bayani, isang guro ng pampublikong paaralan. ako ang nag-iisang anak ng aking ama’t ina.Sa aking pag-iisa, hiniling ko na magkaroon ng isang kapatid, natupad pero maaga ring naputol.. Nasa tiyan pa lang nanay ko ang kapatid na hinihiling ko, ngunit ditto ay maaga na siyang kinuha sa akin. Sabi nga nila ang itinakda ay di mababago at ako, siguro kapalaran ko na ang maging isang anak at sapat na para pasayahin ang aking mga magulang.
Maagang akong natuto ng mga bagay-bagay ditto sa mundo. Siguro dahil sa malawak na imahinasyon at pagkahilig sa mga cartoons na nagbigay inspirasyon upang matutong magbasa ng maaga.Tatlong taon ako noong natutunan ko ang alpabeto at ang bumilang hanggang sampu mula sa aking ina. Ang pormal kong pag-aaral ay nagsimula sa Magill Memorial School. Dito nagsimula ang paglalakbay ko sa buhay. Dito madaming nangyaring una. Unang mga kaibigan, Unang crush, unang kalokohan, unang tagumpay, at unang pagkabigo. Mula Kinder hanggang Gr. III ay sa Magill ako nag-aral.simula din noong kinder pinapanlaban ako ng nasabing iskul sa mga laban ng talumpati.Dito unang nahasa ang aking talent sa pagtula.
Noong ako’y nasa unang baiting ay may di kanais-nais na kaganapan sa aking buhay. Sa aking kalikutan ay nadapa ako at sa di-inaasahang pagkakataon ay nagdislocate ang buto ko sa kanang braso.Isa sa mga masakit at di ko malilimutang bahagi ng buhay ko.Buhay na rin ng isang bata at estudyante ang magkaroon ng kaaway, kaasaran at kakulitan.. Sa mga pagkakataong napapaaway ako nandyan lang naman ang tatay at nanay ko para mapahinahon ako. Inaamin ko dati noong murang gulang ko madamot o selfish ako. Pero noong naranasan at nadama ko kung paano pagdamutan parang binago ng mundo ang ugali ko.
Sa problema at kakulangan sa pera. Mula sa isang pribadong paaralan inilipat ako sa isang pampublikong paaralan kung saan nagtuturo ang aking ina, sa Lucena West I Elementary School. Dito hindi madali para sa akin ang mag-move on.Mula sa fully airondtioned na mga silid-araln patungo sa mainit at masikip na silid aralan, mula sa mga kaklase na naiwan papunta sa mga bagong kaibigan, pero lahat ito binalewala ko dahil ditto nakilala ko ang mga guro at kaklase at pati nga yung crush ko mula grade 4 hanggang ngayon, nakita ko sa bawat isa ang pagmamalasakit at pagmamahal kaya’t sa kanila ako nagsimulang humugot ng panibagong lakas. Sa aking paglipat lalong nahasa at nasubok ang aking talento at kasabay nito ang aking pagkatao.Dito unang natutunan ko ang pagiging mamamahayag at maging environmentalist dahil na din sa mga patimpalak at events na ginagawa sa aking bagong eskwelahan. Dito ako unang sumuko, unang umibig, at unang tumayo sa aking sariling paa. Dahil nga sa karanasan sa pagtatalumpati at pagtula, marami na din ang nasalihan at naipanalo kong contest sa kategoryang ganito. Sa isang simpleng medalya tuwang-tuwa na ako.
Sa pagpupursige at taglay na inspirasyon mula sa mga traong nagtitiwala sa akin, ako ang nagging Sgt. At arms ng school noong grade 4, Vice President noong Grade 5 at ang pagiging Pangulo ng eskwelahan noong Grade 6 ay nagampanan ko. Pero pinakamhirap panindigan ang pagiging SALUTATORIAN ng eskwelahang ito.
Noong ako ay tumuntong na ng Sekundarya, sa Quezon National High School ako ipinasok kung saan nagging kaklase at kaibigan ko ang mga bago at lumang tao sa buhay ko.Sa aking pagpasok sa bagong mundo ditto nagging ESEP student ako. Isa sa mga pilot section sa Pambansang Mataass na Paaralan ng Quezon. Sa unang taon ko sa iskul na ito nagging ESEP A ako. Dito nakilala ko ang mga bagong kaibigan na tumatak sa puso ko, pinagpapasalamat ko nga sa Diyos na hanggang sa unang taon ng hayskul layf ko kasama ko pa rin yung crush ko noong Grade IV.Sa Section na ito, madami akong natutunan. Seryoso man o hindi, pasaway man at maingay nalaman ko na sa bawat laro may natatalo at nananalo pero ditto nalaman na, “SA ISANG LARO DI MO KAILANGANG MANALO DAHIL KAHIT ILANG TALO PA ANG MARANASAN MO BASTA MASAYA KA DAIG MO PA ANG NANALO SA ISANG INTERNATIONAL CONTEST.”Sa pagiging I-AV(ESEP A) madaming kalokohan, tawanan at iyakan ang aking hindi malilimutan. Bansag pa nga sa amin ay I-AV (MALIGALIG) e. Dahil sa sobrang kakulitan, kaingayan pero sabi nga “Beauty is in the inside” dahil alam kong hindi ito maappreciate at matanggap ng mga guro pero ang grupong ito sa kaingayan at kalokohan idinadaan ang kanilang pagmamahalan.
Sa kasalukuyan ay 2nd year high school na ako at patuloy pa rin ang aking paglalakbay at pakikipagsapalaran sa buhay.Ngayong taon Bagong grupo, bagong buhay pero ang mga nakaraan ay hindi malilimutan. Sabi nga nila “PAST IS PAST PERO MAY BAKAS “. Ngayon ito si Carlo Bayani, patuloy pa rin sa pagiging mabuting anak, apo, pinsan at kaibigan.Patuloy umaasa, naninidigan, naniniwala at nagmamahal. Patuloy umiikot ang mundo at HABANG TUMATAGAL, LALONG SUMASARAP.
-Carlo Olyven Bayani Signing Off- 😀
PAULINE CASQUEJO
Si Pauline Grace Minorca Casquejo ay Isinilang sa Quezon Memorial Hospital, Lucena city noong ika-25 ng Agosto 1996. Ang kanyang mga mapagmahal na magulang ay sina Robert Casquejo at Fe Marie Casquejo. Apat silang mga magkakapatid at si Pau ang panganay. Dalawa silang babae, dalawa din ang lalake. Nakatira sila ngayon sa Jaime st. San Fernando Cmpd. Lucena City.
Noong bata pa si Pauline , maaga siyang natuto ng mga bagay bagay sa tulong ng kanyang mga magulang. Madalas siyang basahan ng mga libro kaya naman sa mura niyang edad na 3 ½ nagpumilit na siyang pumasok sa paaralan. Dalawang beses nagdaycare si Pauline sa paaralang malapit sa kanilang barangay. Sa taglay na galling at talino nagkamit siya ng mga medalya. Marami rin siyang nakilalang mga kaibigan kaya natututo si Pauline makisalamuha. Kasunod naman nun ay ang pagpasok niya sa Philippine Tong Ho Institute noong si Pauline ay kindergarten hanggang grade one. Dahil sa paaralang ito natutu siya ng lingwaheng Chinese. Syempre dahil sa sarili niyang tiyaga at sikap, nakakuha ulit siya ng parangal at nakasama pa siya sa honor roll kaya naman tuwang tuwa ang kanyang mga magulang at tunay siyang pinagmamalaki. Simula gr.3 hanggang grade 6 lumipat na si Pauline ng paaralan at iyan ang Lucena West 1 Elem. School. Napakarami niyang natutuhan diyan at marami pa siyang mga bagay na tunay na hindi makakalimutan. Napakarami niyang nakilalang mga kaibigan at guro na nagsilbing inspirasyon ni Pauline sa pag-aaral niya. Marami siyang mga paligsahan o patimpalak na sinalihan at dahil dun nakaipon siya ng mga medalya at ito’y inspirasyon din para patuloy pa si Pauline na magsikap at magtiyaga.
Sa kasalukuyan, ako ay nasa Ikalawang baitang na ng hayskul sa paaralan ng Quezon National Highschool. Nasa mataas na seksyon ng ESEP at ako’y lubos na nagagalak at nasisiyahan. Dahil patuloy na nadaragdagan ang aking kaalaman. Syempre hindi mawawala ang aking mga kaibigan, naandyan pa rin sila para tumulong sa akin. Nagpapasalamat naman ako sa aking pamilya sa patuloy na pagsuporta sa akin. Higit sa lahat, ako ay nagpapasalamat sa Panginoon sapagkat kundi dahil s akanya wala ako ngayon at nagpapasalamat din ako sa kanya dahil patuloy niya akong iniingatan at ang mga mahal ko sa buhay na nagaalaga at nagmamahal sa akin.
ROMMIEL MANGARIN
Si Rommiel Mangarin o mas kilala sa pangalang “Pongkoy”. Ipinanganak siya sa Lucena at dito na rin siya lumaki. Apat sila namagkakapatid na puro lalaki at si Pongkoy ang ikalawa sa panganay.Ang kanyang Mama na lamang ang siyang bumubuhay sa kanila at tumutulong din ang kanyang pangananay na kuya. Sila ay nakatira sa bahay ng Lola ko sapagkat wala siyang kasama sa kanyang bahay, Kumbaga sila ng pamilya nila ay isang “extended family”.
Masaya silang pamilya at pinagpapasalamat niya iyon sa ating Panginoon pero biglang may nangyaring masama na hindi niya inaasahan. Katatapos lang siyang turuan ng kanyang Papa na mag-gitara sabay tinawag na sila ni Mama para kumain. Itinigil ng Papa ni Pongkoy ang pagtuturo sa kanya mag gitara at tinawag siya para kumain pero hindi siya sumama dahil pilit ni Pongkoy magensayo ng mga tinuro ng Papa niya. Isa-isa kaming tinawag ng kanyang Papa pero lahat sila ay merong kanya kanyang ginagawa at ang sabi niya sa kanilang magkakapatid ay, “Kumain na kayo lalamig ang pagkain”. Sumagot ang kanyang Mama at ang sabi “Sige, tatapusin ko lang itong pagsasampay,kumain ka na kung ikaw ay nagugutom 10am na kasi yang mga anak mo nagsigising at nag almusal kaya siguro mga busog pa yan ” . Yun pala, yun na ang magiging huling tanghalian nilang magkakasama-sama. Inatake sa puso ang Ama ni Pongkoy at agad dinala ito sa ospital pero sa kasawiang palad pumanaw na ito.
Maagang naulila sa Ama si Pongkoy,pumanaw na kagad siya nung si pongkoy ay 7 taong gulang pa lamang. Simula noon ay pinagbuti na niya ang kanyang pag aaral at nag graduate si pongkoy sa Mababang Paaralan ng Silangan bilang ika-2 bilang SALUTATORIAN. Sa Enverga sana siya mag aaral ngunit pinapapili siya ng kanyang mama at pinili na lang niya ay Quezon National High School. Tinatanung nga daw siya Kung bakit daw sa dinami raming iskul dito ay QNHS pa ang pinili niya. Natatakot din ang nanay niya dahil marami daw adik sa eskwelahang yun at naaapreciate ni Pongkoy iyon at ang lagi niyang dahilan sa kanyang Mama ay, “Mama nasa sakin naman yun kung sasama ako sa kanila atsaka Mama… malapit eh…”.Kaya nagsimula siyang magaral sa QNHS at napapasok sa Tinatawag nilang especial program “ESEP” .Dun na experience ni Pongkoy kung gaano kasarap makipagsamahan at makipagpaligsahan.
Naging ESEP-A siya nung first year at napatunayan niyang Napakasayang kasama ang mga kaklase niya doon. Dahil kahit sila ay magugulo at maiingay pero kapag oras ng laban sinigsigurado nilang hihigitan pa nila ang kanilang pinaktris at iisa lang ang nasa isip nila at ito ay ang MANALO. Tinagurian silang I-AV (Maligalig) dahil sa mga kalokohan. Pero lahat ng bagay ay nawawala din. Natapos ang kanyang pagiging 1st year at masasabing napaka-memorable yung experience na yun. Naging ESEP-B siya ngayong 2nd year at doon nag ipon-ipon ang mga lalaking masasabi kong astig.Buti nalang madali silang pakisamahan at lagi siyang magkakajoin sa anumang kalokohan. Dito rin niya nakilala yung crush niya.Itinatago pa nga ni Pongkoy yung feelings niya pero nung nalaman niyang may gusto rin yung babae sa kanya nagtapat na si Pongkoy sa kanya at sa wakas naging girlfriend na niya ito. Diba para pang mga bata sila para magkaroon ng syota. Pero hindi niya naman yung pinagsisisihan dahil nagiging inspirasyon niya ito sa bawat oras. At ipinakilala na nga siya sa kanyang mga magulang.:D
Shaina Mae Diwata
Si Shaina Mae Diwata ay ipinanganak noong ika- 15 ng Nobyembre taong 1996 ganap na ika-4:06 am sa Lungsod ng Maynila..Apat silang magkakapatid na binigyang buhay nina Ana Riza Amaro at Luis Diwata Jr. Si April Shaira ang panganay, Si Shaina ang pangalwa, si Steven John ang pangatlo, at si Shan Julius ang bunso. Tahimik at masaya silang namumuhay sa Lucena City.
Sa edad na 3, Si Shaina o maemae ay nagsimulang pumasok sa Crayon Learning Center sa Abha,Saudi Arabia. Maraming paaralan ang pinasukan niya noong tinatapos ni maemae ang elementarya. Nakaranas na rin siyang pumasok sa Gulang-Gulang Elementary School, Saint Philomena School ngunit si Maemae ay nagtapos ng pag-aaral ng elementarya sa Magill Memorial School. Kasalukuyan naman siyang nag-aaral sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Quezon sa sekundarya.
Minsan na siyang nabalian ng buto sa kamay sa kadahilanang si Maemae ay nalaglag sa kanilang hagdanan. Bata pa siya noon ngunit tila sariwa pa sa kanyang memorya ang nangyaring insidente. Tunay ngang ito`y isang karansang hinding-hindi malilimutan. At idagdag mo pa ang mga pangyayaring naganap noong siya`y musmos pa lamang. Nagkaroon sila ng pribelihyo na makapunta sa iba`t-ibang bansa sa mura nilang edad.
Sabi ng kanyang ina bata pa lamang si Maemae, napag alaman na niya kung ano ang magiging hilig niya. Nagsimula siya sa mga simpleng pangarap. Ngunit, nangarap na si Maemae ng mas malaki. Isang malaking pangarap na handa niyang tuparin. At alam mo niyo ba kung ano iyon? Balang araw gusto niyang maging isang accountant. Gusto ni Shaina na Makita ang aking sarili sa loob ng isang tanyag na banko.
Bago ko tuluyang lagyan ng isang malaking tuldok ang munting talambuhay. nais kong ipakilala ang isang babaeng hinubog ng kanyang sariling mga magulang upang marating niya kung anuman ang nakakamit niya ngayon. Si Shaina Mae Diwata na ipinanganak noong ika- 15 ng Nobyembre taong 1996 ganap na ika-4:06 am sa Lungsod ng Maynila.. Nawa ay makatulong ang kanyang talambuhay upang makilala niyo pa ng higit pa sa pagkakaalam ninyo. Maraming Salamat!
Rombert Malate
Kapanganakan: June 22, 1996
Kilala ng Iba bilang: Masayahing lalake
Talambuhay
Ipinanganak noong Hunyo 22, 1996 sa Lucena Memorial hospital na hango ang pangalan sa pinagsamang pangalan ng kanyang ama at ina. Rom sa kanyang itay na si Romano C. Malate at bert sa kanyang inay na si Bernardette B. Malate. Pinalaki siya ng kanyang mga magulang na isang masayahing bata nagsimula siyang magaral sa gulang na 4 na taon sa Alcantara noong nursery palamang, kinder at pre-elem sa Holy Rosary at nagsimula ng elementarya sa Christ the Lord Institute mula grade one hanggang 4 at pinagpatuloy ang grade 5 at 6 sa Lucena West one Elementary school at nakagraduate sa higher section. Nagsimula siya ng highschool sa Quezon National High School section I-RD(ESEP-D) at nagging ESEP-B sa pangalawang taon Kasalukuyan siyang nagaaral ng mabuti at kasali sa P.A.G.(Performing Arts Guild) na ang adviser ay si miss Cristeta O. Asilo, na nagpalawig pa kanyang talento at bawat taon ang organisasyong ito ay nagkakaroon ng Palabas na may kinalaman sa Theater arts nang sumali siya noong unang taon ang kanilang palabas ay Jesus Christ Superstar na ginanap sa Sentro pastoral noong buwan ng Pebrero kung saan siya ay isa sa mga apostol ni Jesus. Kasalalukuyang naprapraktis ang PAG sa paggawa pa ng isang Palabas para sa taong 2011.