Puerta del Parian at Revellin del Parian
Noon, hindi ako masyadong pamilyar sa mga makasaysayang lugar at marka sa ating bansa. Kaunti lamang ang alam ko dahil hindi ako madalas nagagawi sa mga lungsod tulad ng Maynila na tunay na mayaman sa mga replika ng ating kasaysayan. Ngunit sa tulong ng suwetong ito na Kasaysayan 1 sa ilalim ni Propesor Richard Ernacio, nagkaroon ako ng mas malawak na kaalaman sa kasaysayan ng Pilipinas at ng pagkakataon na makapunta sa Maynila upang makita ng personal ang ilang makasaysayang pook at monumento na tunay nga namang mahalaga sa ating mga Pilipino.
Ang napunta sa aking lugar ay ang Puerta del Parian at Revellin del Parian na matatagpuan sa Intramuros sa Maynila. Sa aming klase ay wala akong nakitang kapareha kaya nagpasya kaming magkakaklase sa kursong Edukasyon na sabay-sabay na lang pumunta sa Maynila kahit na iba-iba ang mga lugar na nabunot namin upang magabayan na rin ang mga taong tulad ko na hindi kabisado ang pasikot-sikot sa Maynila. Ito din ay isang magandang paraan upang mas madami kaming makita na makasaysayang pook. Pito kaming nagpunta noong Agosto 21, araw ng Sabado. Kasama kong nagpunta ang mga kaibigan kong sina Godinez, Palado, Baldonado, Nacua, Dery at Palafox. Nagpasya kaming magkita-kita sa harap ng NCBA ng 8:30 ng umaga ngunit dahil na din sa tinatawag na Filipino time ay 10:00 ng umaga na kami nakaalis. Nagpasya kaming unang puntahan ang Mendiola na nabunot ni Baldonado. Doon ay madami kaming nakitang mga Unibersidad maging ang Mendiola Peace Arch. Pagkatapos ay nagtungo kami sa Quiapo na napili naman nila Nacua at Palafox. Bukod sa pagpunta sa Plaza Miranda, sumaglit din kami sa simbahan ng Quiapo upang magdasal. Noong araw na iyon ay ginugunita din ang anibersaryo ng Plaza Miranda Day Bombing.
The Essay on Piracy Bayan Ang Mga
Ang piracy ang isa sa mga malalaking problem ang hinaharap ngay on ng Pilipinas. Kahit isang panloloob pa o pangungumpiska pa ang gaw in ng mga tao ng pamahalaan, bumabalik at bumabalik pa rin ang mga nagbebenta ng mga pirated na mga CDs. Pumunta ka lamang sa isang lugar, katulad ng Virra Mall sa Green Hills, lahat na ng klas e ng pirated na CD ay mabibili mo na, sa presyong abot-kaya. Cds, VCDs, ...
Pagkatapos ay nagpunta kami sa Manila City Hall upang puntahan ang estatwa ni Leon Maria Guerrero na nabunot ni Palado. Matapos ang mahabang biyahe sa bus, tren, dyip at mahabang lakaran, nakarating na din kami sa Intramuros na kung saan matatagpuan ang makasaysayang marka na napili namin nina Godinez at Dery. Ang Intramuros ay ang pinakamatandang distrito ng lungsod ng Maynila. Ang ibig sabihin ng salitang ito sa Ingles ay “within the walls” dahil nababalutan ito ng makakapal at matitibay na dingding. Ito ang nagsilbing tirahan ng mga Espanyol noon at pananggalang sa mga kaaway. Madami kaming nakitang makasaysayang pook at magagandang tanawin. Una naming pinuntahan ang Manila High School na nabunot ni Dery. Ang sunod naman ay ang napunta sa akin. Hindi namin alam kung saan ito banda kaya nagtanong kami sa mga bantay sa Intramuros na nakasuot ng damit na pang-guwardiya sibil. Naaliw ako sa kanila kaya tinanong ko ang isa sa kanila kung pwede magpakuha ng litrato at siya naman ay pumayag. Matapos noon ay nagpunta na kami sa lugar na nabunot ko. Ito ang Puerta del Parian at Revellin del Parian. Noong nakita ko ito ay namangha ako dahil kitang-kita mo talaga ang katandaan at kagandahan sa pagkakagawa dito.
Mababakas mo talaga ang itsura ng Pilipinas noon. Ang mga dingding nito ay luma ngunit mukhang matibay. Meron din itong mga rehas na bakal na nagsisilbing tarangkahan. Base sa aking nalaman sa pagpunta sa lugar na iyon, ang Puerta del Parian ay isa sa mga tarangkahan noong panahon ng pagsakop ng Espanya sa ating bansa. Ito ay ginawa noong taong 1593. Tinuturing itong isa sa mga pinakamatandang tarangkahan sa Intramuros. Pinangalanan ito sa ngalan ng Parian de Arroceros na katapat lamang ng siyudad na kung saan matatagpuan ang mga Intsik na mangangalakal nang panahong iyon. Ito ang nagsilbing opisyal na daanan ng Gobernador-Heneral matapos ang pagkasira ng Puerta Real noong pagsakop ng mga Briton. Ang Revellin del Parian naman ay itinayo noong 1603 matapos ang pag-aalsa ng mga Intsik. Ginawa ito bilang pang-depensa sa mga tarangkahan ng Puerta del Parian at Baluarte de San Andres. Mayroon itong mga kanyon sa taas na ginamit upang pang-laban sa mga nag-aalsang Intsik. Mayroon ding mga bulwagang ginawa upang matuluyan ng mga sundalo maging ng kanilang mga gamit. Ang buong pang-depensa ay natapos noong 1782. Ang Puerta del Parian at Revellin del Parian ay malubhang nasira noong 1945. Sinimulan itong ayusin noong 1967 at natapos noong 1982.
The Essay on Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan
I’ve been reading Bob Ong’s books since college, ever since a friend brought her copy of his first book, A B N K K B S N P L A Ko (That reads as Aba Nakakabasa Na Pala Ako – literal translation: Wow, I Can Read Now). Bob Ong is one of the popular Filipino writers, who, until now, I am not sure if he is really one person or many contributing to one book. I’ve read almost all of his books ever since ...
Tunay nga namang kahanga-hanga na ang mga lugar na tulad nito ay napanatili at napangalagaan. Huli naming pinuntahan ang Baluarte de San Andres na napili ni Godinez. Tunay na napakaganda ng Intramuros hindi lamang sa mga makasaysayang lugar at marka na makikita mo kundi sa pagpapatibay nito sa ating pagka-Pilipino sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating mayamang kasaysayan. Napansin ko din na madaming mga turista ang nagpupunta doon upang makita ang mga makakasaysayang lugar at marka sa Intramuros na nagpapatunay lang na madaming tao kahit na iba ang mga lahi ay interesado na makita ang yaman ng ating bansa.
Matapos noon ay nagpasya kaming sumaglit sa Luneta upang mamasyal ng sandali at masilayan na din ang lugar na tunay na mayaman din sa mga makasaysayang marka lalung-lalo na ang mga monumento tulad ng monumento ng ating pambansang bayaning si Jose Rizal. Matapos noon ay umuwi na rin kami.
Hindi lamang ako natuto sa paglalakbay na ginawa namin, ako din ay nagkaroon ng pagkakataong mamasyal at magsaya kasama ang aking mga kaibigan. Madami din kaming nakuhang mga litrato bilang ala-ala ng masayang araw na iyon. Sa totoo lang ay iyon ang unang beses na nakapunta ako sa malayong lugar na mga kaibigan lamang ang kasama kaya tunay na maganda itong ala-ala para sa akin.
Aking napagtanto na mayaman talaga ang kasaysayan ng ating bansa at kung magbibigay ka lamang ng panahon na libutin ito ay madami kang matutunan at maiisip mo na napakasaya at napakasarap maging Pilipino.
The Research paper on Listahan Ng Mga Pananaliksik
Listahan ng mga Pananaliksik 1. Pamagat : Information Technology and Firm Size Patnugot : Albert Wenger Posted November 2, 2012 continuations.com/post/3482468649/information-technology-and-firm-size-thesis Anotasyon : Mayroong iba’t ibang pangangailangan ang isang tao, katulad ng physical at human assets mayroon ding information assets. Kaya ayroong tinatawag na customer information center, isang ...