1st Filipino National Artist in Theater and Film (1976)
1st Filipino Filmmaker who directed Kandelerong Pilak, the 1st Philippine film ever shown at the Cannes International Film Festival Founder of the first Philippine theater group, the Barangay Theater Guild (1939) 1st Filipino to use the motion picture camera to establish a point-of-view Philippine National Artist in Theater (1976)
Lamberto V. Avellana is a pillar of Philippine Cinema. One of the few living witness to the growth and development of Filipino movies, Avellana began auspiciously as a stage director at the Ateneo de Manila, from where he graduated with a Bachelor of Arts degree in 1938. With his wife, the former Daisy Hontiveros, he founded in 1939 the Barangay Theater Guild, which pioneered in the presentation of legitimate plays.
Avellana movied into film at a time when the studio systems was just emerging. His first film, Sakay (1939) , was a landmark in Filipino filmmaking, because it marked in the words of a film critic T.D. Agcaoili, “The introduction of a truly creative Philippine cnema, employing organically in film some of the elements of modern stagecraft and dramaturgy that had been lacking in Philippine movies”.
Avellana’s direct contribution to Philippine cinema, however, is his use of cinematic techniques, in particular, of the mise-en-scene, which at the time was unheard of among directors who merely used their cameras to tell a story. In short, it was Avellana who first “discovered, exploited and enriched” the idiom of film in the country.
The Term Paper on History of Philippine Cinema
... CHAPTER 1 I. The 1930s to 1940s A. Early Philippine Films Filipinos started making movies in 1919. However, it would be important ... of war-induced reality. This is seen is Lamberto Avellanas Anak Dalita (The Ruins, 1956), the stark tragedy of ... pictures sensationalizing violence and soft core sex films hitherto banned from Philippine theater screens, Italian spaghetti Westerns, American James Bond- ...
Aside from this, it was Avellana who first rebelled against the prevailing popularity of saccharine romances and superficial melodramas. Through his treatment of stories with serious themes and three-dimensional characters, he successfully mixed the significant issues of his time with the conventions of Filipino movie-making.
Lamberto Avellana y Vera
(Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang Lamberto Avellana y Vera)
Direktor sa pelikula at teatro, si Lamberto V. Avellana ay nagpamalas ng galing sa pagsipat sa kamera na nilapatan ng pagdama mula sa dulang pang-entablado. Isinalin niya sa telon ang rikit at lalim ng kaligirang Filipino, at nagkamit ng maraming parangal sa loob at labas ng bansa dahil sa iniluwal na mga obra maestra.
Edukasyon
Isinilang si Lamberto Vera Avellana sa Bontoc, Mountain Province noong 12 Pebrero 1915, at supling nina Dr. Jose Avellana at Rita Vera. Napangasawa niya si Daisy Hontiveros na nagbigay sa kaniya ng tatlong anak na sina Jose Mari, Marivi, at Lamberto Jr. Nakamit ni Avellana ang titulong Batsiler ng Sining, magna cum laude, sa Ateneo de Manila University. Nahirang siyang komentarista sa estasyong KZRH ng radyo. Sumapi siya sa National Information Board, at napiling editor ng Graphic Magazine. Noong 1 Marso 1939, itinatag ng mag-asawang Avellana ang Barangay Theatre Guild (BTG) na binubuo ng 50 katao at kinabibilangan ng mga aktor, arkitekto, eskultor, mananayaw, manunulat, musiko, pintor, at propesor. Nakapagtanghal agad ng tatlong dula ang pangkat, at nang mapanood yaon ni Carlos P. Romulo na pangulo noon ng Filippine Films ay hinikayat nito sa Lamberto na sumubok magdirek ng pelikula.
Mga obra maestra
Nabuo ni Avellana ang kaniyang kauna-unahang pelikulang pinamagatang Sakay, na hinggil sa buhay at pakikibaka ni Macario Sakay at pinagbidahan nina Salvador Zaragoza at Leopoldo Salcedo. Umani iyon ng papuri at paghanga sa hanay ng mga kritiko at peryodista, at itinuring na Pinakamahusay na Pelikula noong 1939. Nagpaturo si Avellana kay William Jansen hinggil sa paghawak ng kamera; at pinahusay pang lalo ang kaniyang sining sa pangangasiwa at pagbuo ng pelikula. Idinirek ni Avellana ang Anak Dalita(1956), na ginawaran ng Pinakamahusay na Pelikula sa Asian Film Festival sa Hong Kong. Nakuha naman niya ang Gawad Pinakamahusay na Direktor para sa pelikulang Badjao (1960); ang Gawad Conde de Foxa sa Bilbao, Espanya para sa El Legado (1960); ang medalyang ginto sa Conde de Foxa para sa La Campana de Baler (1961); at Gawad Pinakamahusay na Dokumentaryo sa Cambodian Film Festival para sa The Survivor (1969).
The Term Paper on Analysis of Stanley Kubrick’s Influence as a Film Maker
"A film is - or should be - more like music than like fiction. It should be a progression of moods and feelings. The theme, what's behind the emotion, the meaning, all that comes later" (Stanley Kubrick)Director Stanley Kubrick was born within the confines of New York on the 26th of July 1928. The son of a physician, he began his career at the relatively young age of 16 when he began working as a ...
At nakuha niya ang Gawad Pinakamahusay na Direktor mula sa FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) para sa Huk sa Bagong Pamumuhay.
Apat na ulit din siyang tumanggap ng FAMAS International Prestige Award para sa mga pelikulang Anak Dalita, Badjao, El Legado, at La Campana de Baler. Limang gawad pagkilala ang tinanggap din ni Avellana mula sa limang pangulo ng Filipinas, na sina Elpidio Quirino, Ramon Magsaysay, Carlos Garcia, Diosdado Macapagal, at Ferdinand Marcos. At nang yumao siya’y pinuri siya ni Pangulong Corazon Aquino dahil sa masining na pagpapalago ng pelikulang Filipino. Matinding dagok sa kasaysayan ng pelikulang Filipino ang pagsapit ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dahil ipinasara ng rehimeng Hapones ang lahat ng estudyong gumagawa ng pelikula sa Filipinas. Ngunit hindi nagbawa si Javellana sa kaniyang propesyon.
Itinatag niya ang Philippine Artists League (PAL) na ang karamihan sa mga kasapi ay nagmula sa BTG. Nagtanghal ang PAL ng mga dulang gaya ng Kapitbahay at Tandang Sora na pawang may kaugnayan sa buhay ng karaniwang tao at nagpapahiwatig ng kabayanihan ng Filipino. Pinakatampok sa karera ni Javellana nang gawin niyang pelikula noong 1965 ang dulang Portrait of the Artist as Filipino ni Nick Joaquin. Nagwagi ang nasabing pelikula sa Manila Film Festival, dahil sa pambihirang pamamaraan ng pagkakagawa. Pinalad iyon na maging kauna-unahang pelikulang naitanghal sa Frankfurt International Film Festival sa Germany. Si Avellana rin ang kauna-unahang Filipinong direktor na nakapagtanghal sa Cannes International Film Festival, para sa pelikulang Kandelerong Pilak (1954).
Ang iba pa niyang pelikulang ipinalabas sa larangang internasyonal ay angSergeant Hasan (1967), Destination Vietnam (1969), at The Evil Within.
The Essay on Amigo – A Film Of Revelation
American rule over the Philippines left the majority of Filipinos a deep scar of the feeling of humiliation because of getting from them their liberty and freedom. But, looking at the other side of the coin, it also left us things that are still beneficial until these days as portrayed in the film Amigo. Purpose of the director A question was formed to my mind during watching the film Amigo – what ...
Pagkilala
Binigyan si Avellana ng Natatanging Gawad Urian mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino; at ng Lifetime Achievement Award, Gawad Postumo mula sa Film Academy of the Philippines (FAP).
Noong 27 Marso 1976, pinarangalan si Avellana sa pagiging Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Teatro. Ang mahusay na direktor, aniya, ay dapat maging tunay na alagad ng sining at artesano, na may likás na pagmamahal sa katotohanan at kariktan. Isinaad din niya ang halaga ng tiyaga, kahusayan, at pagpapakumbaba, bukod sa sigasig na mabuhay at mag-aral upang makairal at matuto. Ang gayong mga kataga’y marapat lamang na pakinggan ng bagong henerasyon ng mga direktor at tagapagbuo ng pelikulang Filipino.